In every game there are rules that every player needs to follow.

So here are the rules that you need to create wealth:

  1. Save atleast 10% of your INCOME. Tumaya ka agad sa sarili mo, mag-ipon ka agad, yan ang bala mo sa umpisa palang. Pamato mo kumbaga. Atleast 10% kasi newbie ka palang naman eh, ito ang stage na ini-establish mo palang sarili mo sa laro ng tunay na pagpapayaman.

 

  1. Invest your MONEY to MULTIPLY: Yong pamato, hindi pwedeng palaging nasa bulsa mon a lang. Ilabas mo yan, palaguin mo. Paano ka mananalo sa laro ng pagpapayaman kung yong puhunan mo nakatago lang? Maramo kang options na pwede mong paglagyan niyang pamato puhunan mo para magmultiply yan. Depende kung magkano yan at anong risk appetite mo sa larong ito.

  1. Don’t fall for get rich quick schemes. Sa larong ito meron at merong taong mandaraya, kaya iwas ka sa kanila. Yong magsasabi sayo, tara pusta ka ditto, panalo ito, sureball, mabilisang kita ito, bukas yayaman ka na, tara na, bigay mo lahat ng meron ka sa akin, papayamanin kita, akong bahala sa’yo. NAKU po, iwas ka sa mga taong nagsasabi sa’yo ng ganyan. Kaya nga mahalaga moa ng rules ng laro para alam mo kung paano maiwasan kapag may maencounter kang nanghahalina sa mabilisan kita, mabilis din palang mawawala.

  1. Keep learning daily. Dahil nga naglalaro ka sa laro ngpagpapayaman, mahalaga na updated ka palagi, kasi may mga pagkakataon na may ilang amendments dun sa mga naunang rules. Kaya dahil tumaya ka, mahalaga na bawat galaw, bawat pagbabago, alam mo. Hindi pwede yong, basic rules lang ang alam mo, paano ka mananalo kung nanatili ka dun sa level 1 ng larong ito? Kaya mahalaga you keep educating yourself, kasi isa yan sa magiging sandata mo, very powerful na pamato mo, yong nadagdagan ang kaalaman mo sa larong ito.

  1. Diversify your portfolio. Nung natuto kang ilabas ang pamato mo para magmultiply, mahalaga na sa ibat-ibang larangan or industry or yong tinatawag na scattered portfolio. Para may panalo, makakakubra ka sa bawat basket na pinaglalagyan nung mga pamato mo. Tumaya ka sa paper assets tulad ng mutual fund, may pamato ka sa isang Kaiser asving plan, may pamato ka sa direct stocks, may pamato kang nilagay sa iyong real estate investment, may pamato kang nilagay sa negosyo.

Maraming rules ang laro ng pagpapayaman, pero yan ang limang rules na huwag mong kalimutan. Para ang ninanais mong tagumpay ay iyong makamtan.

Always remember to live, love, invest.