Promise peksman! Mag-save na ako next month! Bakit ba mahirap magsimula?  Paano nga ba mag-umpisa? Yan ang pag-uusapan natin sa blog na ito or pwede mo din panuorin sa video na ito:

Alam mo kasi kaibigan, may dalawang formula pagdating sa ating financial life.

Poverty/Poorita Formula: Kita – Gastos = Ipon

Prosperity/Riccina Formula: Kita – Ipon = Gastos

Kung nahihirapan kang mag-ipon, alam mo na. You are using the poorita formula.

Alam mo may tatlong kategorya pa nga itong poorita formula eh:

Kita = Gastos

Ang ibig-sabihin nito, isang kahig, isang tuka lamang ang pamumuhay, kahit gaano man kalaki ang kinikita mo. Halimbawa, you are earning 100k a month at ang gastusin mo na mana or ang lifestyle mo ay nagkakahalaga din ng Php100k so walang ipon pa din. Nung maliit ang kinikita walang ipon, nung tumaas ganun din. Perfect example nito ung mga OFW, may mga nakilala ako na kahit nag-abroad na at lumaki na sahod ay di pa rin nakapag-ipon kasi tumaas din ang lifestyle ng pamilya kasi nga nag-abroad na.

At ang pangalawang kategorya ng Poorita Formula ay eto:

Mas malaki pa ang gastos kesa sa kinikita

Yan na ung pinakamasaklap na sitwasyon diba? Nangyayari ito kapag masyadong naienjoy ang pagkaskas sa credit card. Akala unlimited at di babayaran. Naunang mag-enjoy at suffer later. Meron ngang kalakaran na sinasangla ang atm card eh. So literal na di na talaga nahahawakan ang perang pinagpaguran.

Malaki nga kita kesa sa gastos pero wala pa ding ipon (Bulag-bulagan style)

Ngayon kung iniisip mo naman, mas marami nga ang kinikita mo kaysa sa ginagastos mo pero WALA ka pa ring Naiipon, malamang may gastusin kang hindi mo alam ay kumakain sa pera mo.

Alin man sa talong kategorya ikaw nabelong ngayon, ay okay lang. May pag-asa ka pa. Kaya nga you are watching this viedo kasi gusto mong mabago ang iyong financial situation mo diba? You just have to decide and use the proper way of saving which is the Prosperity Formula: Kita – Ipon = Gastos. This concept is what we called Pay Yourself First.

 Huh! Pay yourself first? Pano ba yan?

Yan ba ung itreat ko muna sarili ko, magpamassage ako, parlor or kulot, magpakilay, magshopping, magpadistress, kasi syempre ako naman nagtrabaho sa pera na yan eh!

See, maraming nagkakamali sa pag-intindi sa concept ng Pay Yourself first. Akala nila ang Pay Yourself First is equal to Pamper Yourself First. Pay Yourself First is you save first. Pamper yourself first naman ay you spend first.

Pano ka magprosper kung magspend ka muna diba. So ung Pay Yourself First ay maglaan ka muna ng pera for your savings at saka na gumastos.

Ideally eto ang recommended na percentage for this Prosperity Formula: 10% (tithe) – 20% (savings) – 70 (expenses: needs and wants)

That 10% is your tithes. Your investment for heaven as they say. Ito ung binibigay mo sa group that nourishes your soul. Kung san ka nabibless spiritually like yang church mo or any charitable organizations.

And that 20% is for yourself. Your savings para ung future self mo ay hindi na kelangan pang magtrabaho kasi binayaran mo na sya ngayon palang. And in that way, 5 or 10 years from now, your future self will say thank you to you. And be sure to put that 20% in a financial instrument para mag-earn at magrow pa ung pera mo..

I know what you are thinking! Ang laki masyado nung 20%. Eh andami pang gastusin at bayarin. Di kaya ng powers at budget mo. Tandaan mo ito my friend, hindi mahalaga kung magkano, ang importante ay nauna kang mag-ipon. Kesehodang 50 or 100 pesos lang yan eh.

Magsimula ka sa halagang pwedeng mong icommit sa sarili mo. Hanggat sa kaya mo ng gawin ang 20% savings for yourself.

Kasi may psychological effect yan eh. Alam mo yong law of attraction? What you focus on expands! Kasi bago mo makita ang pagbabago sa physical wallet mo, mauna muna mabago ang iyong physiological wallet. Kaya nga tinatawag na prosperity formula kasi you are training your mind to attract more money by saving first.

And believe me my friend, this prosperity formula na tatawagin na naten ngayong Formula ng Bayan, ito ang sagot sa kahirapan.

So ang challenge ngayon is to start and if kulang atalga, then you have to increase your cashflow. Remeber ung pangatlong kategorya ng poorita formula, na kung san malaki ang income kesa sa expenses pero wala pa ring ipon, kasi nga baka may gastusin kang di mo napapansin na kumkain ng pera mo!

Alamin sa susunod kong blog post kung paano madagdagan ang cashflow mo para may pang-save ka.

So let’s just have a recap kung ano ang napag-usapan naten today, forget your past. I mean that poorita formula and start changing your financial life by doing the Formula ng Bayan – Kita – Ipon = Gastos.

So I hope meron kang natutunan sa article na ito.