1. Pag-ibig na hindi minamadali.

Sa panahon ngayon na lahat ng bagay ay instant, karamihan gusto may “date” sa araw ng mga puso na nameet lang online. Pagkatapos ng ilang araw dahil “kilig” lang pinairal, eh ang kilig may expiration yan, so after maexpire, marealize na ay bakit sya, so hiwalayan na.

Tulad ng pag-iinvest, dapat mindset mo long-tern, hindi pwede ang mga mabilisang kita, dahil kung ginawa mong online dating ang pag-iinvest, baka sa huli masabi mo nascam ka lang.

2. Araw-araw na Pag-ibig

Yes, special ang araw na ito. Pero hindi lang dapat isang araw sinicelebrate ang Valentine’s day. Sabi nga ng lolo ko, ang tunay na pagmamahal ay hindi lamang pinapakita sa araw ng mga puso sa pamamagitan ng pagbibigay ng rosas at tsokolate. Kundi sa araw-araw na kasama mo ang iyong tinatangi at ito ay pinagsisilibihan. Hindi lang din pwede na maging one-way ang service, dapat ito ay mutual.

Katulad ng pag-iinvest, hindi lang isang beses umattend ng training or webinar, tapos sasabihin na, ah alam ko na, eh bakit wala pa ring ginagawa. Kelangan na araw-araw, may dapat kang matutunan about sa usaping pinansyal or kahit sa ano pa mang larangan ng buhay.
At kung ikaw ay nag-iinvest, hindi rin pwede na isang beses lang mag-invest at aasa na malaki ang return, walang ganun, dapat consistent at disiplinado ka. Hindi man araw-araw, pero pwede mong gawin buwan-buwan.

3. Pag-ibig na solid at protektado

Ang pag-ibig ng dalawang tao ay hindi palaging masaya. May konti or malaking tampuhan yan. Ngayon kung mababaw ang pundasyon ng pagmamahalan ninyo, konting aberya lang, away na agad na maaring mauwi pa sa hiwalayan.

Isang matibay na pundasyon ng tunay na pagmamahal ay si God. Dahil sya ay PAG-IBIG. GOD IS LOVE.

Katulad naman ng pag-iinvest, dapat solid ang foundation ng finances mo. Hindi lang basta sumusugod sa pag-iinvest sa mutual funds, stocks at kung ano pa mang form of investment kung wala kang proper protection, longterm healthcare at emergency fund, dahil yang tatlo ang pinakabsic ng financial foundation ng isang tao.

4. Goal oriented na Pag-ibig

Ibig sabihin, nasa isip at puso ninyong dalawa na kayo ang magsasama habang kayo ay nabubuhay sa mundong ito. At sa suporta ng bawat isa ay matutupad ninyo ang layunin ng buhay ng bawat isa. Hindi bat masaya na maging katuwang mo ang iyong mahal sa buhay upang mapursue at ma-fulfill mo ang purpose ng buhay mo sa journey na tinatawag nating Life.

Katulad ng pag-iinvest, may goal ka bakit ka nag-iinvest. Hindi lang sa nakita mo post ng kaibigan mo ay gusto mo na din, kelangan bago ka magtanong kung anong magandang investment, magset ka muna ng goal at dapat S.M.A.R.T. goal yan.

5. Pag-ibig na mapagbigay

Ang tunay na pag-ibig ay hindi maramot. Hindi sinasakal ang taong tunay na minamahal. Hindi hawak ang buhay ng isa. Marami akong nakilala na mula nung sila’y nag-asawa nakalimutan na nila yong mga “unfinished” dreams at goals nila sa buhay. Dahil nag iba na ang priority sa buhay at hindi na rin pinapayagan ng partner nila sa gusto nilang ipursue.

Katulad ng pag-iinvest, hindi naman pera ang end goal pag nag-iinvest eh, dahil una sa lahat kahit magkano pang pera ang mahakot mo, maiiwan at maiiwan yan dito sa mundo. Tandaan, we are all by-passers of this life. Ang tanging silbi ng pera ay para makatulong sa mga taong d mo kilala at di ka mapasalamatan dahil nagbigay ka ng walang hinihintay na kapalit. Ang pera na kikitain mo sa iyong pag-iinvest ay patunay lamang na ikaw ay naging good stweward of the wealth God entrusted to you