Even we are in a situation of lockdown but you are discerning if you want to quit your job to start a new career, take a look on this list that you need to consider before saying ” i want to be my own boss”.

  1. Plan ahead – until when do you want to work on that job. Nakikita mo ba ang sarili mo nagtatrabaho sa work nay an for the next 2 years or 3 years. If not, then set a timeline.

 

  1. While still working, invest 30 to 50% of your monthly income ito kung wala ka ng ibang malaking responsibility katulad ng utang. So you have to be agrresive in your investing. Pwede mong ilagay sa mutual funds or stocks. Importante you know how all this investments works.

Kaya mahalaga kahit hindi mo trip ang trabaho mo, mas may rason ka na i-invest mo ang kinikita mo para you will have the chance to get out of it, either you want to explore a new career, new employment or build your own business.

  1. Create another income source. You have to make sure na sa free time mo, wag muna magbandying bandying, spend the time na meron ka out of your work that will give you additional income. For example, ang working hours mo is 9 to 6pm, then from 7:30pm to 12pm dapat productive yan. Sacrifice muna talaga kasi may goal ka to go out of that rat cycle eh.

 

  1. Make sure you have an emergency fund equivalent to your 6 months expenses. Para may magagamit ka sa time na wala kang work at nagkarun ng di inaasahan na gastusin. Ito ay mahalaga para iwas utang ka.

 

  1. Secure yourself with protection and healthcare account para kung wala ka ng trabaho, hindi ka manghihinayang dun sa mga company benefits like healthcare, kasi di mo yon madadala kung aalis ka na, kaya mahalaga na may separate na healthcare account ka para may magamit ka just in case.

 

  1. Once, yang side income mo pumantay na sa sahod mo or higit pa, then that’s it. Mag tender juicy resignation ka na.

 

  1. Make sure na maayos ang relationship mo pa din sa iiwan mong trabaho kasi di mo alam baka in the future kelangan mo sila sa business mo. Di moa lam magiging contact mo sila sa business mo in the future kaya dapat nag-exit ka sa work mon a maayos pa rin ang relationship mo with them. Dahil tandaan mo, in this world, it’s all about connection.

Always remember to live, love, invest.